Monday, 19 November 2018


10 Batayang Kaalaman sa Pagsulat

  1. 1. MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
  2. 2. MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip.” 7/21/2014
  3. 3. Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan. ANO ANG PAGSULAT?
  4. 4. Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin. Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. ANO ANG PAGSULAT?
  5. 5. MGA PANANAW SA PAGSULAT
  6. 6. Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.”
  7. 7. Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
  8. 8. Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”
  9. 9. Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.
  10. 10. Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.”
  11. 11. Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
  12. 12. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
  13. 13. SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.
  14. 14. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal. 7/21/2014
  15. 15. Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng: 1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
  16. 16. PAGSULAT BILANG MULTI- DIMENSYONAL NA PROSESO
  17. 17. Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal. Anuman ang layunin sa pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat: 1. Oral Dimensyon 2. Biswal na Dimensyon
  18. 18. 1.ORAL NA DIMENSYON Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Ang pagsulat ay isang pakikipag- usap sa mga mambabasa.
  19. 19. 2. BISWAL NA DIMENSYON Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo. Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.
  20. 20. Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
  21. 21. Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
  22. 22. Proseso ng Pagsulat Prewriting Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
  23. 23. Mungkahing pre-writing activities Pagsulat sa Dyornal Brainstorming Questioning Pagbabasa at Pananaliksik Sounding-out Friends Pag-iinterbyu Pagsasarbey Obserbasyon Imersyon Pag-eeksperimento
  24. 24. Proseso ng Pagsulat Ang Unang Burador/ Writing Stage Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
  25. 25. Proseso ng Pagsulat Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.
  26. 26. Proseso ng Pagsulat Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
  27. 27. Proseso ng Pagsulat Revising Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
  28. 28. Proseso ng Pagsulat Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
  29. 29. Teknik sa Pagrerebays ng isang Sinulat Pag-eedit at Pagrerebays ng sariling draft. -isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ang draft. Peer Editing -maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan ang draft. Professional Editing -pagpapa-eedit ng draft sa mga propesyunal tulad ng mga editor at guro TANDAAN: sa Peer Editing at Professional Editing, ang isang manunulat ay kailangang maging bukas sa mga puna, mungkahi at pagwawasto.
  30. 30. Bakit Tayo Nagsusulat?
  31. 31. “Sa pagsusulat hindi tayo makapagpapanggap.” Bilang isang MAG-AARAL. Bilang MANUNULAT. Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay. Bakit Tayo Nagsusulat?
  32. 32. Bakit Tayo Sumusulat? Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sa pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh… ma’am/sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat, malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito ang mababasa. Wala kang maililihim…walang maitatago.
  33. 33. Bakit Tayo Sumusulat? Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay makapasa. Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating piliing paglibangan.
  34. 34. Bakit Tayo Sumusulat? Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
  35. 35. Bakit Tayo Sumusulat? Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating pagkatao upang makadama ng kaligayahan.
  36. 36. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
  37. 37. Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.
  38. 38. TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
  39. 39. 1.IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report
  40. 40. 2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel
  41. 41. 3. MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
  42. 42. 4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
  43. 43. MGA URI NG PAGSULAT •Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa lipunan. •`~batayan kung bakit nasulat ang tao •Magbigay ng impormsyon •Tumalakay sa isang paksa •Mang-aliw ng mambabasa.
  44. 44. AKADEMIK Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral. Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat. Hal: Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.
  45. 45. TEKNIKAL Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin. Nakatuon sa isang espesipik ng audience.
  46. 46. JOURNALISTIK Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist. Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.
  47. 47. REPERENSYAL Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga sors o reference. Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa. Hal.: Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging Mga kaugnay na pag aaral at literatura.
  48. 48. Propesyonal Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon. Hal: Pulis report, Investigative report, Medical report.
  49. 49. MALIKHAIN Masining Pokus ang imahinasyon ng manunulat. Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa. Piksyunal o di-piksunal Hal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.


Huwebes, Pebrero 19, 2015


URI AT MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK





          Isa itong sistematikong paraan ng pag-aaral ay pagsusuring lohikal sa pamamagitan ng matiyagang pagkuha ng mga datos o impormasyon mula sa pangunahing mga materyales ukol sa isang paksa o problemang pang-agham, panliterature, pangkasaysayan, pangmedisina at iba pang disiplinana isinusulat at iniuulat para sa kaalaman at impormasyon ng mga tao.

MGA URI NG PANANALIKSIK
·       EKSPERIMENTAL

Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at paksa.

·    PALARAWAN (Descriptive)

Pinag-aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

·    PANGKASAYSAYAN (Historical)

Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa isang pangyayari sa nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at sa mga pangyayari na bumabalot dito.

·    PAG-AARAL SA ISANG KASO (Case Study)

Nagagamit ang paraang ito ng pananaliksik sa isang usaping panghukuman na naging lubhang kontrobersyal, inaalam dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari.

·   NABABATAY SA PAMANTAYANG PANANALIKSIK

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay ihahambing sa isang umiiral na pamantayan.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
·     PANIMULA

    Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. dito ipinapahayag ang mga layunin ay kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, batayang konsepto o kung paano isasagawa ang pag-aaral. Inilalahad na rin dito ang paraan ng pananaliksik na gagamitin, at paano titipunin ang mga datos.

    KATAWAN O NILALAMAN

    Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring pantulong gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na natagpuan sa pag-aaral at pananaliksik.

    WAKAS O KONKLUSYON
    
    Gagawin dito ang paglalagomng resulta ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat o pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng pag-aaral, gaya ng pag-aaral para malinawan pa ang ilang isyu na hindi lubhang nalutas sa pag-aaral na ito.

    ANG BIBLIOGRAPI

    Ito'y talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa pag-aaral. Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor ng libro at iba pang sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.

  8  Pagbasa at Pagsulat Sa Iba't Ibang Disiplina


MGA KAGAMITAN AT PAGTULONG SA MABISANG PAGBABASA

Ang SILID AKLATAN ay isang mahalagang pook o kalagayan. Ito ay kabuuan ng mga kaisipan, ng mga impormasyon ng sentro ng pagkatuto at higit sa lahat ay daan o paraan ng pagbahagi.

Ang SILID AKLATAN o Laybrari ay nahahati sa apat na uri:

a. PAMBAYAN – Matatagpuan sa mga pamayanan o munisipyo o sa mga lungsod para sa kapakinabangan ng mamamayan na siyang sentro ng impormasyon. * National Library
* City Library
* Public Library

b. PAMPAARALAN – Mga aklatan na makikita sa mga paaralang elementarya at secondary. Ito ay sentro ng pagkatuto na itinatayo upang tugunan ang pangangailan sa impormasyon ng mga mag-aaral, pangkat man o indibidwal * Ramon Magsaysay High School Library

* Silid Aklatan ng Mababang Paaralan ng Kamuning

c. AKADEMYA – Mga aklatang pangkolehiyo at pamantasan. Ito’y sentro ng workshop sa mga estudyante at guro na nagtataglay ng 50,000 aklat na sumasakop sa iba’t-ibang disiplina o asignatura. Ito ay sentro ng pagsasaliksik o riserts. * AMA Computer University Library

* UST Library
* UP Library

d. TANGING AKLATAN – Mga aklatan para sa mga natatanging larangan ng pag-aaral. * Medical Library
* Labor Library
* Law Library
* Weather Library

Ang mga aklatan ay coded at inlays ayon sa klasipikasyong DEWEY DECIMAL SYSTEM na ginawa ni Melvin Dewey. Ang kaayusang ito ay mayroong sampung asignatura na bawat isa ay may anim na bilang. Ang anim na bilang ay susi sa asignatura. Narito ang kabuuang hanay:

000-099Sangguniang Panlahat (General Reference)
100-199Pilosopiya (Philosophy)
200-299Relihiyon (Religion)
300-399Agham Panlipunan (Social Science)
400-499Wika (Language)
500-599Purong Agham (Pure Science)
600-699Teknolohiya (Technology)
700-799Sining (Arts)
800-899Panitikan (Literature)
900-999Kasaysayan, Heograpiya, Talambuhay (History, Geography, Biography) Mayroong isa pang klasipikasyon ng mga aklat sa aklatan. Ito ay ang Library Congress Classification na inimbento ng mga tauhan ng Library Congress, ang pambansang aklatan sa Amerika. Sa klasipikasyong ito, ang mga aklat ay koded sa dalampu’t isang asignatura na may kanya-kanyang malaking titik. Narito ang kanila kaurian:

A. Panlahat na gawain (General Works)
B. Pilosopiya, Relihiyon at Sikolohiya (Philosophy, Religion & Psychology) C. Asignatura na kaugnay sa Kasaysayan (Subjects closely related to History) D. Kasaysayan ng Daigdig (World History except American History) E. Kasaysayan ng Hilagang Timog Amerika (North & South American History) G. Heograpiya at Antropolohiya (Geography & Anthropology) H. Agham Panlipunan (Social Science)

J. Pulitika (Politics)
K. Batas (Law)
L. Edukasyon (Education)
M. Musika (Music)
N. Sining (Arts)
P. Wika’t Panitikan (Language & Literature)
Q. Agham (Science)
R. Medisina (Medicine)
S. Agrikultura (Agriculture)
T. Teknolohiya (Technology)
U. Mga Sundalo (Army)
V. Hukbong Dagat (Navy)
Z. Listahan ng mga Libro at Aklatan (Booklist & Libraries)

Sa mabilisang paghanap ng mga kailangang impormasyon sa mga asignatura ngunit hindi natin alam ang tiyak na mga pamagat, o awtor, ang maaaring pagtuunan ay ang Katalog na siyang katipunan ng mga kard ng mga aklat sa nasabing aklatan. Ang mga kard na ito ay kumakatawan sa tatlong paraan ng pagkalista ng mga aklat. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Awtor – Ang ngalan ng sumulat ng libro ang unang makikita sa itaas ng kard

2. Asignatura – Subject/Disiplina ang unang nakasulat sa itaas ng kard

3. Pamagat – Nakasulat sa unang hanay ng kard ang ngalan ng aklat

 7 Pakikinig                    

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigationJump to search
Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

Kahalagahan[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. mabilis na pagkuha ng impormasyon
  2. daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan
  3. sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.
  4. nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman
  5. ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kaisipan at maunawaan ang kinikilos gawi at paniniwala.
  6. lumilikha ito ng pagkaka-isa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.

Layunin[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Matuto - Upang magkaroon ng kaalaman o makakuha ng bagong impormasyon
  2. Maaliw

Patnubay sa mabisang pakikinig[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Maging handa sa pakikinig
  2. Magkaroon ng layunin sa pakikinig
  3. bigyang pansin ang agwat ng pagsasalita at pakikinig
  4. Kilalanin ang mahalagang impormasyon
  5. Unawain ang sinasabi ng nagsasalita
  6. idebelop ang interes sa pakikinig
  7. Iwasan ang pagbigay puna hangang hindi pa tapos ang nagsasalita
  8. huwag mag-interap o mang abala
  9. maging sensitibo sa mga ekstra na di-berbal na kuminikasyon
  10. magtanong at tumahimik pagkatapos

Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pakikinig[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. mensahe
  2. Katangian at kakayahan ng tagapagsalita
  3. Kakayahan sa pakikinig (ikaw na nakikinig)
  4. Pook
  5. Edad
  6. Oras o panahon
  7. Tsanel
  8. konsepto sa sarili
  9. edukasyon
  10. kalagayan sa panlipunan
  11. Kultura
  12. Kasarian

Mga Kasanayan sa pakikinig[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika
  2. Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kuwentong napakinggan
  3. Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain
  4. Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon
  5. Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba
  6. Pakikinig upang mahiniha ang maga paguugali, at upinyon para sa pahayag o textong napakinggan
  7. Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag
  8. Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan
  9. Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong