3 Maraming kahulugan ang binibigay sa Sanaysay, at ito ang mga binigay sa ating klase:
1) Ayon sa Tuklas 3 (ang ating libro sa Filipino):
~> Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Ito ay ang paglalahad ng matalinong opinyon ng sumulat/may-akda, base sa kanyang...
a. Damdamin
b. Karanasan
c. Kaalaman
d. Haka-haka/Opinyon
...Anumang bagay ay maaaring paksain sa pagsulat ng sanaysay.
2) Ayon sa Diksyunaryo:
~> Ang sanaysay ay may natatanging paksa na hight na maikli at pormal kaysa sa alinmang akda; pagtataglay ng paniniwala, pananaw at kaisipan ng sumulat.
3) Ayon kay Dr. Samuel Johnson:
~> Ang sanaysay ay isang malayang igpaw ng pag-iisip.
4) Ayon kay Alejandro Abadilla
~> Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
5) Ayon kay Genovera E. Matute
~> Ang sanaysay ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.
Para sa ating mga lesson, ang unang kahulugan ang madalas ginagamit.
Ang sanaysay ay nahahati sa tatlong bahagi: Simula, Gitna at Katawan. Ang mga bahagi na ito at ang mga paraan ng pagsusulat nito ay nakalista sa ibaba:
1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng attention ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang...
a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye (inverted pyramid)
b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa.
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay.
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong sanaysay.
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Pwede itong isulat sa paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.
3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang...
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.
No comments:
Post a Comment