Monday, 19 November 2018
5 salaysay: Kahulugan, Kahalagahan, mga Uri at Kasaysayan Literatura 1 mischelledmarianoKahulugan ng Panitikan Sa kahulugang pangwika, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na ginamitan ng paglalaping pang- at -an, at siyang katapat ng literatura sa Kastila at literature sa Ingles.pang + titik + an = pangtitikan panitikan Ang panitikan ay talaan ng buhay. (Arrogante, 1991) Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. (Salazar) Uncle Toms Cabin (Harriet Beecher Stowe) Social Contract (Jean Jacques Rousseau) Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Jose Rizal) Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao sa ibat ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha. (Azarias) Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at maging ang bukas ng isang bansa. (Rubin)Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas1. Makikilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing pinagmulan, ang kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.2. Mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, ang pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang tamasain ang kalayaan na pinakikinabangan sa kasalukuyan.3. Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga literatura ng iba-ibang rehiyon at matutunang ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.4. Mailalapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isat isa, bagamat mula sa ibat ibang rehiyon na may magkakaibang kaisipan, paniniwala at pananampalataya.5. Mapapangalagaan ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating pinakamahalagang yamang panlipi.6. Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura.Uri ng Literaturaa. Batay sa Paraan ng Pagsasalin1. Pasalindila naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao dahil hindi pa natutunan ang pagsulat (epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at palaisipan) 2. Pasalinsulat paraan ng pagsasalin ng literatura magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat, ito ay higit na mahalaga dahil higit na naiingatan.3. Pasalintroniko paglilipat sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko.b. Batay sa Anyo1. Tuluyan o Prosa nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.2. Patula nasusulat sa taludturan at saknungan (maaaring may sukat at tugma o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma).3. Patanghal isinasadula sa entablado, sa bahay o sa bakuran kahit na sa daan o saanman. Maaaring patula o patuluyan. Hindi nagiging ganap hanggang hindi ipinalalabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik- maaaring tatatluhin, dadalawahin o iisahing yugto na ang bawat yugto ay binubuo ng tagpo.Mga Akdang Tuluyan o Prosa1. Nobela mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.Uri Batay sa Pagbibigay- Diin sa Sangkap:a) Nobela ng Pangyayari Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco.b) Nobela ng Tauhan Nena at Neneng ni Valenciano H. Pea.c) Nobela ng Romansa Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos.d) Nobela ng Pagbabago Noli Me Tangere at El Filibusterismo.e) Nobela ng Kasaysayan Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.2. Maikling Kwento salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.Uri Batay sa Binibigyang- Diin:a) Pangkatauhan Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matuteb) Makabanghay Bahay na Bato ni B. L. Rosales.c) Pangkapaligiran Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Matute.d) Pangkatutubong- Kulay paligid, kaanyuang panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad tulad ng Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda.e) Pangkaisipan Ang Pag-uwi ni Genoveva Matute.f) Sikolohikal paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan tulad ng Dugo at Utak ni Cornelio Reyes. 3. Dula upang itanghal sa entablado o tanghalan, nahahati sa yugto ngunit mayroon ding iisahing yugto.Uri Batay sa Paksa:a) Komedya katawa-tawa tulad ng Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda.b) Trahedya kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kamatayan tulad ng Lakambini ni Patricio Mariano.c) Melodrama kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay tulad ng Minda Mora ni Severino Reyes.d) Parsa katawa-tawang dula tungkol sa walang kabuluhang bagay o pangyayari dahil ang pangunahing layunin lamang nito ay magpasaya e) Saynete paksa ng dulang ito ang paglalahad ng kaugalian ng isang lahi, sa kanyang pamumuhay, pangingibig at iba pa.4. Alamat pinagmulan ng mga bagay- bagay, karaniwang hubad sa katotohanan.5. Pabula may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.6. Parabula kwentong hinango sa Banal na Kasalutan, nag- iiwan ng aral gaya ng Parabula ng Alibughang Anak.7. Anekdota maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga mambabasa gaya ng Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan.8. Sanaysay pagpapahayag ng kuru- kuro o opinyon hinggil sa suliranin o paksa.a) Pormal hindi karaniwan ang paksa kaya kailangan ng pagsasaliksik o pag-aaral.b) Impormal karaniwan ang paksa kaya hindi kailangan ng pagsasaliksik o pag-aaral.9. Talambuhay kasaysayan ng buhay ng isang tao.a) Talambuhay na Pansarilib) Talambuhay na Paiba10. Balita pang-araw- araw na pangyayari sa lipunan.11. Talumpati pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.Mga Akdang Patula1. Tulang Pasalaysay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma; nasusuri ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. a) Epiko tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala; dalawa sa pinakakilalang halimbawa ay ang Biag ni Lam-ang (Iloko) at Indarapatra at Sulayman (Muslim).b) Awit at Korido kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan; mayroong paggamit ng mahika, kababalaghan at kapangyarihang supernaturalAwit may taludtod na lalabindalawahing pantig tulad ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de TandianaKorido may taludtod na wawaluhing pantig tulad ng Ibong Adarna ni Jose dela Cruz2. Tulang Pandamdamin o Liriko tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin ng may-akda o ng ibang tao.a) Awiting-bayan maiikling tulang binibigkas nang may himig, pinapaksa ang pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan gaya ng Chit Chirit Chit, Leron Leron Sinta at Bahay Kubo.b) Soneto may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at naghahatid ng aral gaya ng Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon. c) Elehiya nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal gaya ng Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido Ramos.d) Dalit tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen gaya ng Dalit kay Maria.e) Pastoral naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran gaya ng Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.f) Oda paghanga o pagpuri sa isang bagay gaya ng Ode to the Nightingale.3. Tulang Padula o Dramatiko tulang isinasadula sa tanghalan gaya ng La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar.4. Tulang Patnigan mga laro o paligsahang patula na noon ay karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan a) Karagatan itoy batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa dagat upang mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.b) Duplo isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na siyang pumalit sa karagatan.c) Balagtasan itoy isang pagtatalo sa paraang patula na nahango sa duplo at karagatan, ang salitang Balagtasan ay hinango mula sa pangalang Balagtas na si Francisco Balagtas na siyang Ama ng Panulaan.Impluwensiya ng Literatura mga akda sa ibat ibang panig ng mundo na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.a) Banal na Kasulatan o Bibliya pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig (Palestina at Gresya).b) Koran ang pinakabibliya ng mga Muslim (Arabia).c) Iliad at Odyssey ni Homer kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat (Gresya).d) Mahabharata tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya (Indiya).e) Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. f) Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.g) Divina Comedia ni Dante Alighieri nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali (Italya).h) El Cid Compeador naglalarawan sa katangiang panlipi at kasaysayan ng mga Kastila (Espanya). i) Isang Libo at Isang Gabi naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano (Arabya at Persya).j) Aklat ng mga Araw ni Confucius naging batayan ng mga pananampalataya ng mga Intsik (Tsina).k) Aklat ng mga Patay naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.l) Awit ni Rolando kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya, isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya. Pahapyaw na Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang mga Kastila Nakarating sa kapuluan ang mga Negrito (ita o baluga) mga 25,000 taon na ang nakararaan, sila ay walang taglay na kabihasnan bagamat sanay sa paggamit ng busog at pana sa paghahanap ng pagkain. Ang mga Indonesyo naman ay nandayuhan sa Pilipinas mga 8,000 taon na ang nakalipas. Ang unang pangkat ay mapuputi at balingkinitan ang katawan. Ang ikalawang pangkat ay maiitim, makakapal ang labi at pangahan. Sila ay mayroong pamahalaan at may dalang alamat, epiko, mga pamahiin at mga bulong. Sumunod ang mga Intsik na lahing Hakka na tinawag ding manggugusi dahil nilalagay nila sa gusi ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay at ibinabaon sa kanilang looban. Sa pagitan ng 200 BC at 100 AD, dumating ang unang pangkat ng mga Malay na ninuno ng mga Igorot at Bontok sa Hilagang Luzon, ang ikalawang pangkat naman ay ninuno ng mga Bisaya, Bikolano, Kapampangan, Panggalatok at Ilokano. Sila ang may dala ng Alibata. Dumating naman ang mga Bumbay noong ika-12 at ika-13 dantaon na may dlaang epiko, awiting-bayan at mga tula. Sa pagitan ng 890 at 1200 AD, nandayuhan ang mga mangangalakal at misyonerong Arabe na nagdala ng pananampalatayang Muslim. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasakop ng imperyong Majapahit kayat tayoy nakapagpalitan ng kultura sa kanila sa pamamagitan ng kalakalan. Sa pagbagsak ng Majaphit, napasailalim naman tayo sa imperyo ng Malacca, imperyo ng mga Muslim na lumaganap sa Luzon at Mindanao.Pagdating ng mga Mananakop Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagsimula noong unang magtayo ng bayan si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Ang pangunahing layunin nilay maipalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika Romana ngunit sa likuran nito ay ang pagpapayaman at pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan. Sa loob ng 333 taong pananakop nila, lumaganap ang paksang pangrelihiyon na makikita sa mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo atpb. Bunga ng pagmamalupit ng mga Kastila, umusbong ang mga akdang humuhiling sa pagbabago na pinangunahan ng mga propagandista at sinundan ng mga akdang humihimok ng tahasang paghihimagsik na pinasimulan noong Agosto 26, 1896 sa Pugad Lawin. Sa panahon ng mga Amerikano, dumami ang mga limbag na panitikan dahil nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at pananampalataya. Nagkaroon din ng kalayaan sa pagtatatag ng mga samahang pampanitikan. Naging Malaya rin sa paksa tulad ng pulitika, kalikasan, kahirapan, pakikibaka atpb. Sa pananakop naman ng mga Hapon noong 1941-1945, bunga ng digmaan nabalam ang pag-unlad ng ating panitikan. Pinatigil ang pagsulat sa wikang Ingles kayat sumigla ang mga manunulat sa Tagalog. Ipinaloob sa maraming akda ang pagmamahal sa bayan. mischelledmariano
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment