Friday, 16 November 2018

1. Retorika · Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat. 

katangian ng retorika bilang isang sining 

Isang Kooperatibong Sining
  • Hindi ito maaaring gawin ng nag-iisa.
  • b.      Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan.
  • c.       Napagbubuklod ang tagapagsalita at tgapakinig o ang manunulat at mambabasa.

Halimbawa:
      Ang mga nagwewelga sa lansangan. May mga tagapagsalita at sila’y nakakapanghikayat ng mga tao para sumama sa kanilang ipinaglalaban. Sa pagitan ng mga tagapagsalita at mga tagapakinig ang kapangyarihan ng mga binitawang salita kaya naisakatuparan ang mga layunin ng mga tagapagsalita.

Isang Pantaong Sining
  • Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat.
  • Dahil ang wika ay  isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang eksklusibo ring sining ng tao para sa tao.

“Ang wika ay ang Tao, at ang tao ay ang wika”

Isang Temporal na Sining
a.       Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwaheng ngayon ,hindi ng bukas o kahapon.
Halimbawa:
            Pansinin ang mga misa ng Paring Katoliko, gumagamit sila ngayon ng mga salitang napapanahon upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig ng misa. Ang Senador na si Santiago, gumagamit sya ng mga salitang naaayon sa panahon sa kanyang talumpati atbp.

Isang ‘di Limitadong Sining
  •  Marami itong kayang gawin.
  • Maaring paganahin ang ating imahinasyon at gawing possible ang mga bagay na imposible sa ating isipan.
 Nakaiimpluwensya ang retorika sa tatlong aspeto ng isang tao. Ang kanyang kabuuang pagkatao na sinasaklaw ng retorika.

Isang May Kabiguang Sining
  • Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika.
  •  May mga tuntuning masalimuot at sadyang nakakalito.


Isang Nasusupling na Sining
  • Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.

Halimbawa:

      Ang mga seminar, ang isang leksyon sa klase, ang misa ng isang pari sa simbahan ang mga 
pangangaral ng alagad ng iba’t ibang sekta.

"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)

RETORIKA: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Ano ang Kahulugan ng RETORIKA?

Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa.
Sa pagbasa ng aklat na ito, mauunawaan ng mag-aaral ang:
         * Ang Masining na Pagpapahayag
         * Wastong Gramatika at Retorika
         * Mahusay na Estilo
         * Pasalita at Pasulat na Diskurso: Nilalaman at Anyo
         * Pagbasa ng Ilang Piling Akda
Idagdag pa rito and dalawang Worksyap sa Pagsulat. Maihahanda ng aklat na ito ang mga estudyante sa mga diskursong pasalita at pasulat, sa loob at labas ng paaralan.


LAYUNIN NG RETORIKA

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulatmemoulatabstrakpagsusuripamanahong papel (term paper), mgapanuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.

Kahalagahan at Kaugnayan ng Retorika at Wika sa iba pang Larangan


Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.

"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)

Edukasyon

Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.

Relihiyon

Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng Panginoon na kinikilala nito.

Politika

Ang.. politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.

Legalidad

Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.

Kultura

Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.

Sosyolohiya

Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksiyon,pakikisalamuhapakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.





            Sa bawat gawain ng isang indibidwal sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay, malaki ang bahagi ng kanyang pagkatao ang pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Sa pakikipagtalastasan ng isang tao ay napakaraming mga bagay-bagay ang kaniyang matututunan na magagamit niya sa kanyang buhay. Maging ito man ay direkta o hindi sa kaniyang kaisipan.
            Mayroong layunin ang bawat tao sa kaniyang pakikipaglastasan. Ang mga tambay na nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan, ang mga propesyunal sa kani-kanilang trabaho, ang pulis na nakabantay sa kanto, ang mga traffic enforcer na nangangalaga ng trapiko sa kalsada, ang mga tidero’t tindera sa palengke at ang mga batang musmos sa iba’t ibang sulok ng kalye, ang mga taong tagapaghatid ng aral ng Diyos sa sangkatauhan at maging mga magnanakaw na gumagamit ng kani-kanilang kakahayan sa pagsasalita, kahit mga manloloko sa pag-ibig man o materyal na bagay sa mundo.

Layunin ng retorika

            Ganito ang layunin ng retorika, ang makapanghikayat ng kapwa sa paraan ng pagsulat at pasalita. Ayon sa Wikipedia (2015), Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sapakikipagtalastasan.

Gampanin ng Retorika
  • o    Nagbibigay daan sa komunikasyon

Ano  man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.

  • o    Nagdidistrak

Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.

  • o    Nagpapalawak ng pananaw

Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin
o    Nagbibigay ngalan,
Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.

  • o    Nagbigay-kapangyarihan


Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at makapangyarihan.  Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.


Kaugnayan sa wika, Sining, Pilosopiya, Sosyolohiya (Lipunan), at iba pang Larangan

            Sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan wika ang ginagamit ng tao maging pasalita man ito o pasulat. Malaking bahagi sa buhay ng isang tao ang wika sapagkat sa wika nakasalalay ang pagkakaunawaan ng bawat indibidwal sa isang lipunan. Subalit sa panghihikayat at pangkakaunawaan ng bawat tao ay kinakailangan din ng wastong paggamit ng salita at may kahusayan sa paggamit ng wastong balarila. Sapagkat dito makikita ang kasiningan ng isang akda maging ito man ay pasulat o pasalita.
            Sa pagsasalita man o pagsulat mas magiging masining ang isang akda kung ito ay gumagamit ng mga simbolo. Simbolo na nagtatago ng mahalagang ideya sa isang akda. Sa pagpapahayag ng isang tao ng kaniyang ideya na ginagamitan niya ng mga simbolo ay makikita rito ay kaniyang pilosopiya sa buhay, ang kaniyang prinsipyo at pananaw sa mga bagay-bagay.
            Saklaw din ng retorika ang Pilisopiya, subalit ang isang tao na naghahayag ng kanyang Pilosopiya sa kaniyang kapwa ay kinakailangang reasonable o makatwiran upang maipakita na ang kanyang mga argumento ay may padron ng sensibilidad upang matanggap ito ng kanyang kapwa o tagapakinig.
            Nagsasalita o nagsusulat ang isang tao upang maihayag niya ang kaniyang ideya sa isang nangyayari o mangyayari sa kanyang lipunang ginagalawan, kaya’t sinasaklaw din ng retorika ang lipunan. Ang isang tagapagsalita ay isang mamamayang may nais na pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang lipunan. Kung baga, ang isang tagapagsalita na naglalayong makapanghikayat ng kanyang kapwa batay sa kaniyang pilosopiya ay kinokonsedera ang lipunang kanyang ginagalawan.
            Sinasaklaw din ng retorika ang iba’t iabang larangan tulad ng relihiyon,  sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng Panginoon na kinikilala nito.
            Ang edukasyon, sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.
            Sa politika, ang politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
            Sa kultura, Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmangwika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.
            Ang Legalidad, Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal naproceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.
           

3 comments: