8 Pagbasa at Pagsulat Sa Iba't Ibang Disiplina
Ang SILID AKLATAN ay isang mahalagang pook o kalagayan. Ito ay kabuuan ng mga kaisipan, ng mga impormasyon ng sentro ng pagkatuto at higit sa lahat ay daan o paraan ng pagbahagi.
Ang SILID AKLATAN o Laybrari ay nahahati sa apat na uri:
a. PAMBAYAN – Matatagpuan sa mga pamayanan o munisipyo o sa mga lungsod para sa kapakinabangan ng mamamayan na siyang sentro ng impormasyon. * National Library
* City Library
* Public Library
b. PAMPAARALAN – Mga aklatan na makikita sa mga paaralang elementarya at secondary. Ito ay sentro ng pagkatuto na itinatayo upang tugunan ang pangangailan sa impormasyon ng mga mag-aaral, pangkat man o indibidwal * Ramon Magsaysay High School Library
* Silid Aklatan ng Mababang Paaralan ng Kamuning
c. AKADEMYA – Mga aklatang pangkolehiyo at pamantasan. Ito’y sentro ng workshop sa mga estudyante at guro na nagtataglay ng 50,000 aklat na sumasakop sa iba’t-ibang disiplina o asignatura. Ito ay sentro ng pagsasaliksik o riserts. * AMA Computer University Library
* UST Library
* UP Library
d. TANGING AKLATAN – Mga aklatan para sa mga natatanging larangan ng pag-aaral. * Medical Library
* Labor Library
* Law Library
* Weather Library
Ang mga aklatan ay coded at inlays ayon sa klasipikasyong DEWEY DECIMAL SYSTEM na ginawa ni Melvin Dewey. Ang kaayusang ito ay mayroong sampung asignatura na bawat isa ay may anim na bilang. Ang anim na bilang ay susi sa asignatura. Narito ang kabuuang hanay:
000-099Sangguniang Panlahat (General Reference)
100-199Pilosopiya (Philosophy)
200-299Relihiyon (Religion)
300-399Agham Panlipunan (Social Science)
400-499Wika (Language)
500-599Purong Agham (Pure Science)
600-699Teknolohiya (Technology)
700-799Sining (Arts)
800-899Panitikan (Literature)
900-999Kasaysayan, Heograpiya, Talambuhay (History, Geography, Biography) Mayroong isa pang klasipikasyon ng mga aklat sa aklatan. Ito ay ang Library Congress Classification na inimbento ng mga tauhan ng Library Congress, ang pambansang aklatan sa Amerika. Sa klasipikasyong ito, ang mga aklat ay koded sa dalampu’t isang asignatura na may kanya-kanyang malaking titik. Narito ang kanila kaurian:
A. Panlahat na gawain (General Works)
B. Pilosopiya, Relihiyon at Sikolohiya (Philosophy, Religion & Psychology) C. Asignatura na kaugnay sa Kasaysayan (Subjects closely related to History) D. Kasaysayan ng Daigdig (World History except American History) E. Kasaysayan ng Hilagang Timog Amerika (North & South American History) G. Heograpiya at Antropolohiya (Geography & Anthropology) H. Agham Panlipunan (Social Science)
J. Pulitika (Politics)
K. Batas (Law)
L. Edukasyon (Education)
M. Musika (Music)
N. Sining (Arts)
P. Wika’t Panitikan (Language & Literature)
Q. Agham (Science)
R. Medisina (Medicine)
S. Agrikultura (Agriculture)
T. Teknolohiya (Technology)
U. Mga Sundalo (Army)
V. Hukbong Dagat (Navy)
Z. Listahan ng mga Libro at Aklatan (Booklist & Libraries)
Sa mabilisang paghanap ng mga kailangang impormasyon sa mga asignatura ngunit hindi natin alam ang tiyak na mga pamagat, o awtor, ang maaaring pagtuunan ay ang Katalog na siyang katipunan ng mga kard ng mga aklat sa nasabing aklatan. Ang mga kard na ito ay kumakatawan sa tatlong paraan ng pagkalista ng mga aklat. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Awtor – Ang ngalan ng sumulat ng libro ang unang makikita sa itaas ng kard
2. Asignatura – Subject/Disiplina ang unang nakasulat sa itaas ng kard
3. Pamagat – Nakasulat sa unang hanay ng kard ang ngalan ng aklat
No comments:
Post a Comment