Monday, 19 November 2018

4     
PANITIKAN: Kahulugan, Kahalagahan, mga Uri at Kasaysayan
Literatura 1
mischelledmariano
Kahulugan ng Panitikan
Sa kahulugang pangwika, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na
ginamitan ng paglalaping pang- at -an, at siyang katapat ng “literatura” sa Kastila
at “literature” sa Ingles.
pang + titik + an = pangtitikan  panitikan
Ang panitikan ay talaan ng buhay. (Arrogante, 1991)
Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. (Salazar)
o Uncle Tom’s Cabin (Harriet Beecher Stowe)
o Social Contract (Jean Jacques Rousseau)
o Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Jose Rizal)
Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao sa iba’t ibang bagay
sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Dakilang Lumikha. (Azarias)
Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at
maging ang bukas ng isang bansa. (Rubin)
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas
1. Makikilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing
pinagmulan, ang kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.
2. Mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, ang pagpapakasakit ng
ating mga ninuno upang tamasain ang kalayaan na pinakikinabangan sa
kasalukuyan.
3. Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga literatura
ng iba-ibang rehiyon at matutunang ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
4. Mailalapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isa’t isa, bagama’t mula sa iba’t
ibang rehiyon na may magkakaibang kaisipan, paniniwala at pananampalataya.
5. Mapapangalagaan ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi.
6. Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultur

No comments:

Post a Comment